Wednesday, June 21, 2006

CSC. SPPI. UST. Blogwhoring. Rakion. Part 1

Hey before reading this long post of mine for the day ... click ka po muna dito: http//www.salaswildthoughts.blogspot.com and kindly vote for my blog. Please..please..please...I need to win this one to keep my page hits maintain its improving visit records. I'm on its last week na kaya pls bear with me hehe! Di me nangulit last week pero this time I realize I need it pala talaga. I cannot elaborate further what is this for...basta help me earn a few cents..ok?
************************************************************************

CSC.
I find myself heading to the Civil Service Commission (Banawe) Office yesterday morning. As mentioned, I'm supposedly scheduled to take the Paper& Pencil Test (PPT) type for my civil service eligibility examination on the 30th of July. Just recently, a new schedule for a Computer Assisted Test (CAT) was released, registration of which starts on July 3 with the first day of exam scheduled on August 1. At siyempre pa, as the word implies, better and I really prefer the CAT type. Aside from being paperless (of course), results are released a few minutes after the test. Dating back when I first register for a civil service exam last March, no more CAT slots were available thus resorted to a PPT..got no choice eh. Contemplating on the timeline and with the new announcement, I decided to forego and cancel the PPT scheduled on July 30, register on July 3 and as much as possible grab an Aug. 1 CAT slot. I need to pass that exam and get in at Transco the soonest time kasi uh-oh, our savings has been stagnant for two months already...and the pressure's not easy to deal with ha. (Maricel o, hala nangangarap na ng husto hehe!) It's shakingly coming into our senses the plight and hardships of Juan dela Cruz these days. Waah hirap ng buhay!

SPPI.
After CSC, I went to Scholarship Plans Phils. Inc.'s office along Quezon Ave. Anong ginawa ko dito? Well, for the nth time, nagfollow up ng long overdue claims ng bro ko (who's now in college) for his High School tuition and other fees reimbursements. Dealing with this insurance company has always been a pain in the ass...a MAJOR PAIN in is deepest sense. Nagmumura, nagagalit at mangiyak-ngiyak na parents sa inis at hopelessness at deadmang-sagad-sa-butong-insensitive na frontliners at officials ang karaniwang scenarios dito. Sayang nga eh kasi wala ako dun nung time na sinugod sila at ni-feature ng ABS-CBN's defunct Mission-X dahil sa complaints of not paying their scholars' claims and arrears. If I have known, nakidagdag sana ako sa complainants para makuha na namin yung pending 3 checks with a whopping value..and if I'm not mistaken, we're expecting 3 more for the coming maturity months. I don't know, madalas nilang sinasabi wala pa daw schedule of release. Ah hello? March 2005 pa po nung nagsubmit kami ng request letter na supposedly sabi niyo it'll only take 30 working days para maprocess at marelease ang check. Di po ata kayo nagpapalit ng kalendaryo ah or na-stuck ata kayo sa buwan at taon na yun...mag move on na po kayo..June 2006 na po tayo ngayon..ang tagal naman ng 30 days niyo! Memorize ko na nga linya niyo pag nagfo-follow up ako kulang na lang sagutin ko ang sarili ko sa pagtawag at pagpunta ko sa kanila para magfollow up... "Ah ma'am wala pa pong schedule of release at di ko rin kayo masasagot kung kelan tentative date..tawag-tawag na lang po kayo. Depende po kasi sa management ang approval ng scheduling eh." Pudpod na po daliri ko sa kakadial ng number niyo na laging busy naman. At mantakin mong nung tinanong ko kung ano ang hinihintay nila, media o demand later from a lawyer..aba'y parang may script na sinagot ako in a seemingly sanay na sanay tone.."Ma'am, right niyo po yun. Di naman namin kayo mapipigilan." O ha! may ready spiel na!

At may nalalaman pang sana daw intindihin sila Grrrrr! Anong iintindihin namin sa inyo? Kami ang clients dito kami ang intindihin niyo. Mahiya naman kayo..yung mga ibang clients niyo galing pa ng probinsiya, isang kahig at isang tuka ang buhay, sobrang inaasahan ang pera nila na galing sa inyo tapos uuwi silang walang napala? Buti sana kung sagot niyo pamasahe nila. Shame on you! May time pa nga dati na naka-ilang filed leaves ako from work kaka-follow-up at siyempre asa pa ako..wala akong nakuha. (Baka nagtataka kayo bakit ako ang umaasikaso nito, kasi nga po nasa abroad ang tatay ko at ako ang inassign na representative to deal with them on his behalf).

Wala kaming pakialam sa management decision niyo na maghold ng payments. At sa sumasagot sa mga follow-ups na laging nakakatanggap ng pangbubulyaw ko, wag na wag mong ire-reason out na maraming nagreresign sa inyo at ikaw na lang ang natira kaya walang sumasagot sa phone niyo. Hey hindi namin problem yan ok? Sa management ninyo mo sabihan yang mga reklamo mo. Dahil ang pakialam lang naman eh mabayaran niyo kami! At sa frontliner nun na kalalaking tao eh nakipagsagutan sakin...mahiya ka naman. How dare you raise your voice to me...yung binayad ng tatay ko noon sa inyo dun kumukuha ng pangsweldo sayo ang kumpanya mo. For four years I've worked as a frontliner sa bank at sa telecommunications company, we were carefully trained how to interact with an irate client..na never mong sasabayan ang init ng ulo, na kahit magwala ang client sa harap let him be..he has the right kasi nga siya ang CUSTOMER. In the first place di kayo mag-e-exist kung wala kayong clients. Anong klaseng customer service training meron kayo? Ay oo nga pala, kung pambayad nga ng claims wala kayong maibigay, makakapag-gastos nga ba naman kayo for personnel trainings and seminars? nuninuninu.

Hay tama na nga...I'm just wasting my time ranting about them eh mukhang kasing-tigas ng bato mga mukha nila. Kakatakot lang at baka matulad sa CAP and PEP..uh-oh wag naman sana.

UST.
Para mahimasmasan ako kahapon at since ayaw ko pang umuwi, ayun tumuloy ako sa aking alma mater UST. Naglakad-lakad at nagmasid. Daming pagbabago..daming renovations...Sayang di ko man lang naabutan ang "food court" na nasa multi-deck parking na dati eh pay parking lang ang tawag...Mcdo, Brother's Burger, etc. at ang paboritong kong KFC! akalain mong nasa loob na sila ng USTE. At dahil nga hiwalay na ang Accountancy sa College of Commerce, hiwalay na rin sila ng building at dun na nga sila sa taas ng multi-deck parking. Kaswerte naman nila, bago na building tapos nasa baba lang nila ang mga fast food restos.

Ang driveway sa harap at likod ng Main Building, just wondering puro bricks na..parang di na pwedeng dumaan mga sasakyan. At siyempre pa, ala na pala ang Nine Martyrs of Faith..uy yung mga ibang Thomasian alumnas/alumnaes diyan di nila alam ito. Ito po yung mga malahiganteng rebulto ng mga santo na pinangungunahan ni San Lorenzo Ruiz sa tapat ng Central Library dati.



Oo, wala na ito at may bago ng building na nakatayo. Sa likod naman ng Central Library ganun din, may construction..awww wala ng Coop (ka-miss ng fishballs at tukneneng dito) at Colayco Park kung saan tumatambay at nagpra-praktis ng mga may PE na dancing at mga kung anu-anong drama at program practices na karamihan eh mga AB gumagawa. Nakakamiss yung fish pond at yung butas-butas na estatwa ni Manuel Colayco. Bakit daw butas-butas..kasi mga namatay siya sa pakikipagbarilan nung gyera kaya ayun butas-butas din ang estatwa animo'y gawa ng mga balang kumitil sa buhay niya.

Ang UST Hospital ayun..under construction din. Ginagawan ng extension sa katabi..di ko rin alam kung ano ba yung andun dati..parang garahe na ewan sa tapat ng UST elementary na ngayon ay wala na rin pala. Ang alma mater ko namang UST High School kung saan kami naging magkaklase ng aking esposo straight for four years, ayun ganun pa rin naman ang building. Nung dumaan ako ng mga 3:30 pm kahapon, ang daming nakatambay na mga college students sa walkway na di mo aakalaing HS building siya kasi puro mga college ang tumatambay. Wehehe..naiintindihan ko sila kasi ganyan din ako dati. Karamiha'y mga first year college yun na graduate din ng USTHS at nagkikita-kita sila ng mga HS classmates nila na ngayon eh magkakaiba na ng courses. Siyempre bukod sa namiss ang isa't isa, payabangan at compare notes agad yan about their colleges and courses..at siguro ganun pa rin kalapit sa puso nila ang USTHS. Aba'y kung kami nga ng asawa ko nung college dun ang hintayan namin dati pagka-uwian. Commerce po kasi ako at siya naman ay Engineering. Oo alam ko di naman namin gitna ang HS building pero siyempre alangan naman sa Lover's Lane kami maghintayan kung saan nagmimistulang tambutso dahil daming tumatambay na naninigarilyo. Buti na lang ngayon, smoke free zone na ang USTE. Kaya wala ng mga yosi-kadiri hehe! Naalala ko may prof pa ako nung naninigarilyo sa klase habang nagtuturo hehe!

So yun pagkatapos kong maglakad-lakad at bago umuwi sa Frisco, nag-stay ako ng matagal at nagdasal sa simbahan...na kung di ka Thomasian, aakalain mong ang simbahan ng UST eh ang Main Building dahil sa Cross na nasa ibabaw ng building at pinaliligiran ng mga estatwa ng santo na may tali sa baywang nila. Bakit may mga tali..kasi sabi magbu-bungee jumping daw sila...* toinks *

At nga pala, busy ang UST sa pagprepare for its 400th yr of existence sa 2011. Grabe! Tagal na ng beloved alma mater natin. Kainggit nga eh kasi sa paglakad-lakad ko kahapon, nakita ko mga estudyante may mga black sling bags sila na may nakalagay "I am a proud Thomasian at 400". Waah! gusto ko rin nun!

Sa mga kapwa ko alumni ng USTE, meron na palang UST Sta. Rosa..yup yup, may branch na sa Laguna. Click here for the inauguration pics. Tapos eto po, pakisagutan na lang ang Alumni Survey as posted on the website.

O siya haba na pala ng entry ko..part 1 na lang muna. Bukas ko iblo-blog mga iba pang ginawa ko at pinagka-abalahan kahapon.

4 comments:

tin-tin said...

part 1 pa lang yun?!?! grabe! ang dmeng nangyari sayo ha. one fine day ha. hehehe. grabe! you reminded me na dapat ko kumuha ng civil service exam. haay... hanggang ngayon, wala pa din. hehe. teka1 anong scholarship ba yan? hay naku ha! kawawa naman kyo. siguro kaya ka tinatarayan nung lalaki kse di sya sinuswelduhan ng kompanya. hehe

Mai said...

tin..hehe! oo part 1 pa lang hehe pero siguro much shorter na yung part 2. Ayoko din naman kayong i-bore at pagurin mga mata niyo with a long post. Besides, para may mai-blog din ako tomorrow hehe!

sis, dali sabay tayo take civil service exam.. check mo yung sked dito: www.csc.gov.ph.

Jigs said...

Whew! Haba ng post! lol! Tapos di pa ko masyado makarelate! hehe!

So, all I'm gonna say is this: wow! ang busy mo! lol! Hope that's good enough for now. hehe!

Mai said...

Jigs..hehe! salamat..di naman ganun ka-busy..hehe!

aba..ang tatay ko nagcomment haha! love u din pa!